2 holdaper bulagta sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na sinasabing notoryus na holdaper ang napaslang ma­tapos makipagbarilan sa mga pulis sa inilatag na checkpoint sa Maharlika high­ way, Barangay Turbina sa Calamba City, Laguna ka­hapon ng madaling-araw.

Lumilitaw na sangkot ang mga suspek sa holdapan kung saan natangay ang P.2 milyong payroll at pam­bonus sa mga tauhan ng negosyanteng si Simeon Va­lencia sa bayan ng Cabuyao, Laguna.

Sa phone interview, sina­bi ni Calamba City PNP di­rector P/Supt. Joel Pernito, naispatan ng kaniyang mga tauhan ang naka-flash alarm na sinasakyan ng mga suspek na kotse (Honda Ci­vic) na may plakang WRA-119 kung saan tinangkang umiwas sa checkpoint.

Tinangkang parahin ng pulisya upang inspeksyunin pero agad na nagpaputok ang dalawang sakay ng kot­seng puti na nauwi sa ha­bulan.

Nakorner naman ng pinag­ sanib na puwersa ng pulis-Calamba, Regional Spe­cial Operations Group at Regional Public Safety Battalion ang mga suspek sa may underpass ng South Luzon Expressway sa Brgy. Turbina kung saan nauwi sa shootout.

Nagawa namang makata­kas ng backup na motorsiklo na lulan ng isa pang holda­per na pakay naman ng hot pursuit operations ng pulisya.

Narekober sa kotse ang dalawang cal. 45 pistol, gra­nada at ang P.2 milyong pay­roll kung saan naibalik sa na­sabing negosyante.

Show comments