Selos: 2 misis kinatay

MANILA, Philippines - Hindi na pinasalu­bong sa Bagong Taon ang da­la­wang misis na sinasa­bing selosa ma­ka­­raang pag­tatagain ng ka­­ni-ka­ni­lang mister ka­makalawa ng gabi sa magkahiwalay na ka­ra­ha­sang naganap sa Ca­piz at Sorsogon.

Sa ulat ni Capiz PNP director P/Senior Supt. Do­mingo Cabillan, idinekla­rang patay sa Mambusao District Hospital si Lenie Amenamen, 28, habang na­­sakote naman ang mis­ter na si Ronel Amenamen, 30, fish vendor, kapwa na­katira sa Barangay Li­buon sa nabanggit na ba­yan.

Nabatid na nagtalo ang mag-asawa kung saan su­nud-sunod na tina­la­kan ng misis ang kan­yang mis­ter dahil sa para­tang na may iba itong kina­hu­humalingang babae.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng itak ang mi­sis at tinaga sa tiyan ang kaniyang mister subalit na­agaw naman ng lalaki ang itak kung saan sa tindi ng galit ay pinagtataga ang kaniyang misis.

Ang krimen na nasak­sihan ng dalawang anak ng mag-asawa sa loob ng kanilang tahanan sa nasa­bing barangay dakong alas-­7 ng gabi.

Natunton naman ng pu­lisya ang suspek na nag­papagamot sa Roxas City District Hospital.

Samantala, napaslang din ang misis na si Jose­phine Ferreras, 44, mata­pos pagtatagain ng kan­yang mister na si Ronnie Ferreras, 46, kapwa na­ka­tira sa Barangay Patag sa bayan ng Gubat, Sor­sogon.

Sinasabing lango sa alak ang suspek nang kom­prontahin ang kanyang mi­sis dahil sa matinding se­los.

Show comments