^

Probinsiya

Preso tinodas sa kulungan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Sumiklab ang kaguluhan sa loob ng Ozamis City Jail matapos mag-noise barrage ang mga preso kung saan napatay ang isang bilanggo habang dalawang iba pa ang nasugatan sa Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ni PNP spokesman P/Chief Supt. Agrimero Cruz  Jr. ang napatay na si Danilo Adanza, habang dalawa ang na­sugatan at ngayon ay ginagamot sa Zanorte Medical Center.

Bandang alas-12:25 ng tanghali nang sumiklab ang noise barrage sa building 2 kung saan hinostage ng isang grupo ng preso ang kanilang mga kakosa.

Nag-demand pa ang mga preso na makausap si Zamboanga del Norte Gov. Rolando Yebes kung saan agad nagsagawa ng negosasyon ang mga opisyal ng bilangguan sa pamumuno ni P/Chief Supt. Deogracias Tapayan  para payapain ang grupo ng mga preso.

Matapos ang ilang oras na negosasyon ay napayapa na rin ang mga preso kung saan pinagsasaksak ng mga ito ang tatlo nilang kasamahan. Nagsagawa naman ng diyalogo si Tapayan sa hanay ng mga preso upang alamin ang karaingan ng mga ito na humantong naman sa karahasan.

vuukle comment

AGRIMERO CRUZ

CHIEF SUPT

DANILO ADANZA

DEOGRACIAS TAPAYAN

NORTE GOV

OZAMIS CITY JAIL

ROLANDO YEBES

ZAMBOANGA

ZANORTE MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with