Umbagerong ama pinabulagta ng anak
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dahil sa pagtatanggol sa kanyang ina na ginugulpi, nagawang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng 29-anyos na anak ang sariling ama kamakalawa ng gabi sa Barangay Palani sa bayan ng Baluc, Masbate.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ramon Bucala, 55, habang tugis naman ang suspek na si Barangay Kagawad Bernardino Bucala, 29.
Dakong alas-11:30 ng gabi nang marinig ng suspek ang pag-aaway ng kanyang mga magulang sa loob ng kanilang tahanan kung saan binalewala nito ang pag-away.
Nauwi naman sa gulpihan ang sumiklab na komprontasyon ng mag-asawa kung saan nasaksihan naman ng suspek.
Dito hindi na mapigil ng suspek ang sarili kaya kaagad na pinaputukan ng ilang ulit ang kanyang ama.
Mabilis na tumakas ang suspek matapos bumulagta ang duguang biktima.
- Latest
- Trending