Sputnik Gang nilikida

BOTOLAN, Zambales, Philippines  — Isang 33-anyos na lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng highway sa Barangay Binoclotan sa bayan ng Botolan, Zambales noong Lunes ng umaga.

Kinilala ni Zambales PNP director P/Senior Supt. Francisco Santiago Jr. ang biktima na si Ben Cezar y Jimenez ng Barangay Baloganon, Masinloc, Zambales.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ni P/Senior Insp. Michael Chavez, nagtamo ng mga tama ng bala ng baril ang biktimang maraming tatoo sa katawan at sinasabing miyembro ng Sputnik Gang.

Pinaniniwalaan namang pinatay sa ibang lugar ang biktima saka inabandona sa gilid ng highway para iligaw ang mga investigador ng pulisya.

Show comments