MANILA, Philippines - Dalawang drayber ang iniulat na nasawi habang sugatan naman ang isa pa matapos na mabangga ng mini-bus ang motorsiklo at traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Poblacion II, Himamaylan City, Negros Occidental kamakalawa ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Roseldo Tayco, 69; at Ronnel Peranco, 33; kapwa namatay habang ginagamot sa Himamaylan City District Hospital. Sugatan naman si Ronie Mae Bayona na lulan ng traysikel ni Tayco. Lumilitaw na nawalan ng preno ang bus ni Mang Jolasco kaya sinalpok ang motorsiklo ni Peranco kung saan nakaladkad pa ng 50 metro bago sumunod naman nitong binangga ang traysikel ni Tayco. Samantala, inaresto naman ng pulisya ang driver.