^

Probinsiya

6-anyos gutay sa paputok

- Nina Dino Balabo, Boy Cruz at Joy Cantos -

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa nalalapit na Bagong Taon sa isang 6-anyos na batang lalaki habang kritikal naman ang kanyang ama matapos sumabog ang bultu-bultong paputok sa loob ng traysikel sa Barangay Partida sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Namatay habang gina­gamot sa Norzagaray Muni­cipal Hospital si John Ezekiel Silva, samantala inoobserbahan naman ang kanyang ama na si Noli Silva, kapwa nakatira sa bayan ng Guim­ba, Nueva Ecija.

Sa police report na nakarating kay Bulacan PNP director P/Senior Supt. Fernando Mendez, lumilitaw na aabot sa halagang P30,000 ang pinamiling paputok sa bayan ng Bocaue ang mag-ama bago isinakay sa kanilang traysikel.

Habang bumabagtas ang traysikel ng mag-ama patungo sa Nueva Ecija ay biglang sumabog ang pinamiling paputok pagdating sa Barangay Partida.

Nagkalat sa kalsada ang mga pira-pirasong paputok at maging sa mga punungkahoy ay nakasabit ang iba’t ibang uri ng paputok kung saan nabasag pa ang mga salamin ng ilang bahay dahil sa lakas ng pagsabog.

Ayon kay Dr. Joselito San­tiago, municipal doctor ng Norzagaray, matindi ang pinsala sa ulo ng bata kaya hindi nakayanan ang pakikipaglaban kay kamatayan.

Ayon kay P/Supt. Bruno Viola, Jr., hepe ng Norzagaray PNP, lumilitaw na nag-init ang tambutso ng traysikel kaya nadamay ang mga paputok.

vuukle comment

AYON

BAGONG TAON

BARANGAY PARTIDA

BRUNO VIOLA

BULACAN

DR. JOSELITO SAN

FERNANDO MENDEZ

JOHN EZEKIEL SILVA

NORZAGARAY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with