^

Probinsiya

Trader utas sa ambush, 1 pa kritikal

- Ni Cristina Timbang -

CAVITE, Philippines  – Patay ang isang negosyante habang nasa kritikal namang kondisyon ang isang ginang makaraang pagbabarilin ng nag-iisang armadong lalaki kahapon ng umaga sa Barangay H2, Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ni Cavite Provincial Director Sr. Supt. Jhon Bulalacao ang nasawing biktima na si Manolo Delingon, 43 anyos, may asawa at residente ng Pascam, General Trias ng lalawigang ito. Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo.

Patuloy namang isinasalba sa Saint Paul Hospital ang sugatang babae na nakilala lamang sa alyas Lala, 30-35 taong gulang.

Samantalang, mabilis namang nakatakas ang suspek na tinukoy lamang sa alyas na Barok tangay ang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na ginamit sa krimen.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Reynald Afable, may hawak ng kaso dakong alas-6 ng umaga ng bigla na lamang umanong pagbabarilin ng suspek ang pinaniniwalaang target na si Delingon at nadamay naman sa insidente si Lala.

Nang makasigurong napuruhan si Delingon ay mabilis na tumakas ang suspek na ngayo’y patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang motibo ng krimen.

vuukle comment

BAROK

CAVITE PROVINCIAL DIRECTOR SR. SUPT

DASMARINAS CITY

DELINGON

GENERAL TRIAS

JHON BULALACAO

LALA

MANOLO DELINGON

REYNALD AFABLE

SAINT PAUL HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with