Mag-asawa dedo sa trak

MANILA, Philippines - Magkasamang sinalubong ni kamatayan ang mag-asawang matanda habang anim pa ang na­sugatan matapos suwagin ng 10-wheeler truck ang multicab at bahay sa gilid ng highway sa Barangay Matabao sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa.

Kinilala ng tagapagsalita ng Caraga PNP na si P/Supt. Martin Gamba, ang nasawing mag-asawang Marcelo Caluyang, 95; at Lucena Villa Caluyang, 70, kapwa idineklarang patay sa Agusan del Norte Provincial Hospital.

Sugatang naman sina Joseph Capagngan, 29; Jennifer Simblante, 39; Evelyn Bernaldez, 24; Bernard Llido, 52; Isidra Torres, 39 at si Alicia Sarsaba, 12.

Lumilitaw na nawalan ng preno ang dump truck (GEG 763) ni Joesel Lucinda, 45, na patungong Butuan City mula sa ba­yan ng Nasipit kaya ina­raro ang multicab at tahanan ni Katrina Sarsaba kung saan namatay ang mag-asawang matanda.

Gayon pa man, sumuko sa pulisya ang driver ng truck kung saan pormal na kakasuhan.

Show comments