^

Probinsiya

8 pisak sa killer truck

- Ni Mer Layson -

ANTIPOLO CITY, Rizal, Philippines – Muli na namang nagdiwang ang kampon ng kadiliman matapos masawi ang walong sibilyang inararo ng trailer truck ha­bang limang iba pa ang malubhang nasugatan kahapon ng umaga sa Barangay Mambugan, Antipolo City, Rizal.

Kabilang sa mga napisak ay sina Rodel Cornelio, 15; Jason Sarol, 15; Jonathan Sarol, 14; John Nomer Asocena, 10; at si Marilyn Corpuz, 33.

Naisugod naman sa Antipolo District Hospital ang sugatang driver ng truck na si Philip Adriano at ang pahinanteng si Artemio, anak ni Corpuz na si John Carl, 1.

Sa ulat ng traffic enfor­cer na si Rolando Gonzales, mabilis ang takbo ng truck (RFD-594) na sinasabing nawalan ng preno kaya unang sinalpok ang owner-type jeep bago tuluyang sinuyod ang ilang bahay, karinderya at tindahan sa gilid ng Sumulong Highway sa nasabing barangay bandang alas-11:45 ng umaga.

May mga nasugatan din sa owner-type jeep na unang sinalpok ng truck.

Maging ang drayber ng trak ay sugatan at ang kanyang pahinante ay naputulan pa ng kanang braso kung saan naisugod sa Amang Rodriguez Medical Center.

Pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng bawal na droga ang drayber ng trak at pahinante nito matapos marekober sa dashboard ng trak ng ilang drug pa­ra­pher­nalia kabilang ang dalawang plastic sachet ng shabu habang patuloy naman ang imbestigas­yon. Dagdag ulat ni Joy Cantos

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY MAMBUGAN

JASON SAROL

JOHN CARL

JOHN NOMER ASOCENA

JONATHAN SAROL

JOY CANTOS

MARILYN CORPUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with