Kusinero inutas sa karinderya

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines  – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 36-anyos na kusinero makaraang pagbabarilin ng ‘di-kilalang lalaki sa Magsaysay Market Complex, Cecillo Street sa Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Vincent Calleja ng Old Capitol Compound sa Burgos Avenue, Cabanatuan City. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na nagluluto ang biktima sa karinderya ng kanyang ina nang lapitan at ratratin ng isang lalaki na sinasabing nagpanggap na bibili ng ulam. Nagawa pang isugod sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center ang biktima ngunit idineklara itong patay.

Show comments