LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Isa na namang barangay kagawad ang iniulat na napaslang habang nakaligtas naman ang kanyang misis matapos ratratin ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Barangay Manlot-od sa bayan ng Placer, Masbate kamakalawa ng tanghali. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Kagawad Roberto Dela Pesa, 54; habang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan si Lilibeth Dela Pesa Bandang alas-12 ng tanghali nang tambangan ang mag-asawang magkaangkas sa motorsiklo na patungo sana sa Barangay Poblacion. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.