2 katao utas sa pulis

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa naman ang malubhang sugatan matapos salpukin ng pickup ng pulis ang kanilang motorsiklo sa Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa ng madaling araw. Kapwa idineklarang patay sa Laoag City General Hospital sina Herbert Baniaga at Jayson Agcaoili habang inoobserbahan naman ang isa pang biktima na si Jasnel Leanio, pawang nakatira sa Barangay Dipilat sa bayan ng Vintar, Ilocos Norte. Lumilitaw na lulan ng motorsiklo ang mga biktima nang salpukin ng Isuzu pickup ni PO2 Orlando Marumi na nakatalaga sa Vintar PNP station. Samantala, agad namang sumuko si PO2 Marumi sa himpilan ng pulisya matapos ang insidente.

Show comments