^

Probinsiya

Gatbuca Bridge ipinasara

- Dino Balabo -

BULACAN, Philippines  — Animo’y kidlat na ipinasara sa daloy ng trapiko ang Gatbuca Bridge sa bayan ng Calumpit, Bulacan na nagdulot ng pagkairita ng mga motorista partikular na sa mga pampasaherong jeepney noong Biyernes ng hapon. Ang pagpapasara ay ipinag-utos ng Department of Public Works and Highways para mapigilan ang nakaambang panganib tulad ng Colgante Bridge sa bayan ng Apalit, Pampanga na bumagsak noong Nobyembre 23. Mananatiling nakasara sa lahat ng uri ng sasakyan ang Gatbuca Bridge sa loob ng apat na araw habang isinasagawa ang paunang pagkukumpuni dahil sa nadiskubreng steel truss sa ilalim ng tulay ay na­putol. Ikinagalit naman ng mga motorista, partikular na ng mga jeepeney driver na may rutang Malolos-San Fer­nando sa Pampanga ang biglaang pagpapasara ng tulay dahil sa kawalan ng maagang babala. Ayon kay Engr. Antonio Molano, direktor ng DPWH sa Gitnang Luzon, ang pansamantalang pagpapasara ng tulay ay batay sa resulta ng kanilang inisyal na inspeksyon na hiniling ni Bulacan Gob. Wilhelmino Alvarado na nagpahayag ng pangamba matapos bumagsak ang di-kalayuang Colgante Bridge.

vuukle comment

ANTONIO MOLANO

AYON

BULACAN GOB

COLGANTE BRIDGE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GATBUCA BRIDGE

GITNANG LUZON

MALOLOS-SAN FER

PAMPANGA

WILHELMINO ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with