4 pulis positibo sa drug test

CAMARINES NORTE, Philippines   — Nalalagay sa balag ng ala­nganin ang apat na pulis matapos magpositibo sa drug testing sa Camp Wenceslao Q. Vinzons Sr. sa Barangay Dogongan sa bayan ng Daet, Camarines Norte. Nabatid na tinawag ni P/Senior Supt. Roberto Fajardo ang kanyang mga tauhan sa loob ng nasabing kampo para pag-usapan ang paghahanda sa darating na Kapaskuhan. Subalit imbes na pagpupulong ang isasagawa ay sasailalim ang 40 pulis sa drug testing. Pansamantalang hindi muna ibinunyag ang pagkakakilanlan ng apat na pulis na pinaniniwalaang gumagamit ng droga habang hinihintay ang desisyon ng PNP Camp Crame kung ang mga ito ay masisibak sa tungkulin.

Show comments