^

Probinsiya

Landslide: 5 nalibing nang buhay

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang lima-katao matapos na maguhuan ng lupa  ang kanilang tahanan sa bahagi ng Mt. Diwalwal sa bayan ng Monkayo, Compostela Valley noong Biyernes ng hapon dahil sa patuloy na buhos ng ulan na epekto ng bagyong Sendong.

Ayon kay Antonio Cloma, chief ng Office of Civil Defense (OCD) Region 11, dakong alas-4 ng hapon ng maganap ang trahedya sa nasabing lugar.

Kinilala ni Cloma ang mga nasawi na sina Rosita de la Peña, Nasser Tuan, 6; Rakima Tuan, 4; Jolito Lumactod, 28; at si Asliya Tuan, 6.

Nabatid na bumigay ang lupa mula sa kabundukan sanhi ng patuloy na pag-ulan sa minahan na tumabon sa tahanan ng mga biktima sa paanan ng bundok.

Sinabi ni Cloma na patuloy ang kanilang babala sa mga residente na magsilikas kapag masama ang lagay ng panahon upang hindi mapahamak pero hindi nakinig ang mga residente sa nasabing lugar.

Kaugnay nito, binigyan na ng tulong ng lokal na pamahalaan ang pamilya ng mga nasawing residente.

vuukle comment

ANTONIO CLOMA

ASLIYA TUAN

AYON

CLOMA

COMPOSTELA VALLEY

JOLITO LUMACTOD

MT. DIWALWAL

NASSER TUAN

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

RAKIMA TUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with