4 karnaper arestado

MALOLOS City, Bulacan, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na sibilyan na sinasabing tangkang ibenta ang kinarnap taxi sa isang poseur buyer na pulis kahapon ng madaling araw sa Barangay Tikay, Malolos City, Bulacan. Pormal naman pinakasuhan ni P/Senior Supt. Fernando Mendez, Jr. ang mga suspek na sina Eiron Joshua Estetaniez, 29, ng Brgy. Cuyab, San Pedro, Laguna; Junar Emiterio, 23, Donna Pautan, 19, kapwa nakatira sa Calamba City, Laguna; at si Lorraine Alhambra, 25, ng Kalayaan Ave., Makati City. Sa police report, lumilitaw na kinarnap ng mga suspek ang isang taxi sa Pasay City kung saan tinangkang ibenta subalit nasabat ng mga operatiba ng pulisya.

Show comments