MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupa kaya pinaslang ang dalawang magsasaka sa magkahiwalay na insidente ng karahasan sa Agusan del Norte at Agusan del Sur kamakalawa. Bandang alas-6:30 ng gabi nang ratratin si Domingo Roa, 73, ng kanyang kaaway na si Jhunrey Ago habang ito ay nagpapastol ng kalabaw sa bahagi ng Purok 3, Barangay San Antonio sa bayan ng Remedios T. Romualdez, Agusan del Norte. Samantala, si Epifanio Mamolo, 53, ay pinagbabaril din ng 'di-kilalang lalaki habang nasa farm house sa Barangay Magsaysay sa bayan ng Prosperidad, Agusan del Sur.