Banko sa Ifugao nilooban

MANILA, Philippines - Niransak ng tatlong armadong kalalakihan ang coo­perative bank sa naganap na robbery/holdup sa Barangay Poblacion sa bayan ng Alfonso Lista, Ifugao, kamakalawa. Sa ulat ng tagapagsalita ng Cordillera PNP na si P/Supt. Engelbert Soriano, bandang alas -10:30 ng umaga nang holdapin ang Banaue Savings Development Cooperative. Nabatid na dalawa sa mga holdaper ay nagpanggap na customer ng cooperative bank kung saan tinutukan ng baril at pinadapa ang mga kawani at agad na nagdeklara ng holdap. Inutusan ang kahera ng banko na si Lizel Ambros na buksan ang kaha de yero kung saan nilimas ang P 85,685 cash at ilang personal na gamit ng mga kawani. Tumagal lamang ng ilang minuto ang insidente saka nagsitakas ang mga holdaper.

Show comments