Driver itinumba sa restobar

CAVITE ,Philippines  – Binaril at napatay ang isang 36-anyos na driver habang malubha naman ang kaibigan nito sa naganap na karahasan sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Imus Medical Center si Melvin Galang habang ginagamot naman ang sugatang si Kevin Faller, 21, kapwa nakatira sa Barangay Bulihan sa bayan ng Silang, Cavite. Lumilitaw na nakasagupaan ng mga biktima ang grupo ng ilang 'di-kilalang kalalakihan sa Lourey’s Binalot sa Dahon Res­tobar sa Jireh Building sa Barangay Buhay-na-Tubig sa nasabing bayan ang sumiklab ang kaguluhan na nauwi sa pamamaril. Lumilitaw na nagalit ang mga suspek sa pabalang na sagot ng mga biktima kaya naganap ang pamamaslang.

Show comments