Tumador todas sa alak

BULACAN ,Philippines  – Pinaniniwalaang alak ang sanhi ng kamatayan ng isang 33-anyos na lalaki matapos malango at tuluyang bumigay ang katawan sa loob ng barrack na kanyang tinutuluyan sa Barangay Duhat sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jeffrey Lacson, trabahador sa Atlas Feeds Corp. sa nasabing barangay. Huling namataang buhay ang biktima na bumili ng dalawang bote ng alak sa tindahan bago pumasok sa barrack bandang alas-10 ng gabi kung saan kinabukasan natagpuang patay ito. Pinaniniwalaang naman ng pulisya na nasobrahan ng alak ang katawan ng biktima kaya tuluyang bumigay.

Show comments