^

Probinsiya

Magsyotang ikakasal pinabulagta

- Ni Victor Martin -

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines  – Hindi na makapagha-honeymoon ang ikakasal na magsyota makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng mga ’di-kilalang kalalakihan sa bayan ng Dingras, Ilocos Norte, kahapon.

Naligo sa sariling dugo dahil sa mga tama ng bala ang magkasintahang sina Denver Edica ng Labut, Badoc, Ilocos Norte at Apple Sacramento ng Barangay Elizabeth, Dingras sa nasabing lalawigan.

Nabatid na papauwi na sana ang dalawa na lulan ng motorsiklo para pag­handaan ang kanilang kasal sa Enero 2012 nang harangin at ratratin sa bahagi ng Barangay Barong Barong sa nasa­bing bayan.

Napag-alamang nag­desisyong magpakasal ang magkasintahan na sinasa­bing may isang taon nang nagsasama para ipormal ang pagsasama subalit masyadong napaaga ang salubong ni kamatayan.

Malaki ang paniniwala ng pulisya na matinding selos ang isa sa motibo ng suspek para paslangin ang dalawa habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

APPLE SACRAMENTO

BADOC

BARANGAY BARONG BARONG

BARANGAY ELIZABETH

DENVER EDICA

DINGRAS

ENERO

ILOCOS NORTE

LABUT

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with