Bagets nagbigti

CAVITE, Philippines  – Dahilan sa matinding depresyon, nagpatiwakal ang isang 13-anyos na batang lalaki na natagpuang nakabigti sa kisame ng kanilang tahanan sa Cavite City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Cavite Police Director Supt. John Bulalacao ang biktima na si Danielyn Daganasol, estudyante at residente ng #901 P. Burgos Ave. Brgy. 59, San Roque ng lungsod na nabanggit.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Noo Buitizon, may hawak ng kaso dakong alas-5:30 ng umaga ng madiskubre ni Gloria Ponciano, tiyahin ng biktima na nakabigti ang bagets gamit ang kimono belt.

Sa kaniyang suicide note ay humingi ng tawad ang biktima sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at ibinilin rin na huwag umanong tatanggalin ang singsing na kaniyang suot. Iniim­bestigahan na ang kasong ito.

Show comments