Konsehal pinabulagta

MANILA, Philippines - Napatay ang isang 43-anyos na konsehal ng barangay matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Barangay San Miguel sa bayan ng Calasiao, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napaslang na si Roberto Ramos ng Barangay Ambunao sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang pananambang habang pauwi na ang biktima mula sa sabu­ngan. Sa tala ng pulisya, si Ramos ang ikalawang opisyal ng barangay ang napatay sa Pangasinan sa loob lamang ng tatlong araw kung saan unang pinabulagta si Camilo Rufo sa bayan ng Mangatarem.

Show comments