Riding-in- tandem pinabulagta

TUGUEGARAO CITY, Philippines – Pinagtataga hanggang sa mapatay ng magbayaw ang riding-in-tandem na sinasabing bumaril at nakapatay sa isang magsasaka sa Barangay Holy Friday sa bayan ng Mallig, Isabela kahapon.

Kinilala ang mga na­patay na sina Eduardo Abad at Raymundo Barroga na dating Cafgu. Nabatid na hinabol ng magbayaw na sina Agustin at Cesar dela Cruz na lulan ng traysikel ang riding-in-tandem tandem kung saan inabutan nila ito sa Barangay Holy Friday.

Naunang binaril at na­patay nina Abad at Barroga ang biktimang si Romeo Guarzon habang ito ay nag-aararo sa Barangay Maligaya sa nasabing barangay. Narekober sa mga napatay ang dalawang baril na sinasabing ginamit sa pagpatay kay Guarzon. Raymund Catindig at Victor Martin

Show comments