3 sugatan sa pamamaril

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang isang Navy personnel ang iniulat na nasugatan sa naganap na pamamaril ng mga 'di-kilalang kalalakihan sa Barangay Barangobong sa bayan ng Villasis, Pangasinan kamakalawa ng gabi. Kabilang sa mga sugatan ay sina Petty Officer 1 Dindo Abella, ng Philippine Navy; Melvin Libao, 24; at si Jennifer Manzano, 4, tinamaan ng ligaw na bala. Lumilitaw na target na barilin si Abella pero sa kamalasan ay tinamaan ng ligaw na bala ang bata sa kaliwang bahagi ng dibdib at si Libao.

Show comments