Civilian agent itinumba

KIDAPAWAN CITY ,Philippines  – Napaslang ang isang civilian agent ng militar habang sugatan naman ang kasama nito matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa highway ng Arakan, North Cotabato, kahapon. Kinilala ang napatay na si Jerry Mendoza, habang sugatan naman si Rogelio Herbilla na kapwa military agent sa ilalim ng 10th Special Forces Company ni Capt. Mark Espiritu. Ayon sa ulat ni Lt. Col. Leopoldo Galon, spokesman ng Eastern Mindanao Command, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa mula sa pakikipaglibing sa namayapang kaanak nang ratratin pagsapit sa harap ng Santo Niño Elementary School sa Barangay Santo Niño.

Show comments