2 trak sinunog ng NPA

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Muli na namang naghasik ng kaguluhan ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang sunugin ang dalawang trak ng logging firm sa Sitio Dibulo sa Barangay Dicamay sa bayan ng Jones, Isabela kamakalawa. Ayon sa pulisya, inako naman ni Chairman Rogelio Lorenzo ng Barangay Li­numot na kanya ang dalawang trak na sinunog dahil pinahiram ang mga trak sa operasyon ng militar laban sa NPA rebs.

Show comments