^

Probinsiya

Mister ipinagtanggol ang misis, tinodas

- Ni Raymund Catindig -

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Napaslang ang isang 69-anyos na negosyanteng mister makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang di-kilalang lalaki sa naganap na madu­gong holdap sa Barangay Silawan Norte sa bayan ng Echague, Isabela kamakalawa. Kinilala ni PO3 Marcos Vinoya ang biktima na si Alejandro del Rosario habang nakaligtas naman ang misis nitong si Maria Cristina del Rosario.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na ang mag-asawa mula sa pamilihan nang harangin at holdapin ng dalawang armadong kalalakihan.

Sa halip na tumalima na ibigay ang P15,000 ay sumigaw ng saklolo ang biktima kung saan pinatakbong palayo ang asawa at saka nanlaban sa dalawang holdaper.

Gayon pa man, pinagtulu­ngan namang saksakin ang matandang negosyante bago palakad na tumakas ang mga holdaper.

vuukle comment

ALEJANDRO

BARANGAY SILAWAN NORTE

BATAY

ECHAGUE

GAYON

ISABELA

KINILALA

MARCOS VINOYA

MARIA CRISTINA

NAPASLANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with