^

Probinsiya

Ex-governor, 2 pa tugis

- Ni Francis Elevado -

CAMARINES NOR­TE , Philippines — Pinaghahanap nga­yon ng mga awtoridad at posibleng magdiwang ng Kapaskuhan sa kulungan ang dating gobernador ng Camarines Norte at dalawa pang dati ring mga opisyal dahilan 'di-uma­no sa isang maanomal­yang transaksyon na ki­na­sa­sangkutan ng tatlo sa isang pampublikong paaralan sa lalawigang ito.

Batay sa kautusan ng Sandiganbayan Quezon City Third Division na nilagdaan ni Francisco H. Villaruz, Jr., Presiding Justice, Chairperson, Third Division, nahaharap sa kasong Malversation thru Falsification of Public Do­cuments sina ex-governor Jesus “ Atoy” Typoco Jr., dating Provincial Trea­surer Lorna Coreses at dating School Division Superintendent Ariston Villareal at walang inirekomendang piyansa ang korte sa mga ito.

Nahaharap din sa kasong paglabag ang tatlo sa Section 3 ng Republic Act 3019 na may piyansang halagang P30,000 bawat isa. Nabigo ang grupo ni P/Supt. Allan Ramos, Daet Chief of Police,  na maaresto ang dating opisyal sa resthouse nito.

Ayon sa source ang nasabing kaso ay nag-ugat 'di-umano sa isang maano­malyang transaksyon sa Daet Elementary School sa bayan ng  Daet, Camarines Norte na sinasabing pinondohan ng halagang P300,000.00 ang isang computer room na isa umanong  “ghost project” noong taong 2007 batay sa isang reklamo ng isang miyembro ng mamamahayag sa lalawigan.

ALLAN RAMOS

CAMARINES NORTE

DAET CHIEF OF POLICE

DAET ELEMENTARY SCHOOL

FALSIFICATION OF PUBLIC DO

FRANCISCO H

LORNA CORESES

PRESIDING JUSTICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with