Sayyaf patay, 8 armas nasamsam

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang bandidong Abu Sayyaf habang 8 namang mga matataas na kalibre ng baril ang nasamsam sa pagpapatuloy ng law enforcement operation sa lalawigan ng Basilan. Sa phone interview, sinabi ni Col. Ricardo Visaya, Commander ng Army’s 104th Infantry Brigade, dakong alas-5:45 ng umaga kahapon ng masabat ng 4th Scout Ranger Battalion ang may 15 armadong bandido na mga tauhan ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama sa Lantawan, Basilan. Kamakalawa ay una nang napatay ng tropa ng military ang Abu Sayyaf member na si Mohammadan Musallain alyas Toto. Ayon kay Visaya tumagal ang bakbakan sa sumunod na engkuwentro ng 5 minuto na nagresulta sa pagkakarekober ng apat na garand rifles, isang M653 rifle, isang M203 at isang M16 rifle na may tatlong magazine.

Show comments