Shootout: Suspek sa pagpatay sa 4 pulis, reporter utas

RIZAL, Philippines  – Nagwakas ang pagiging notoryus killer ng isang 30-anyos na lalaki na sinasabing pangunahing suspek sa pagpatay sa apat na pulis at isang reporter makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga pulis sa bayan ng Taytay, Rizal kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Senior Supt. Manuel Cesar Prieto, Rizal PNP director  ang  napatay  na  si  Oliver  Taib, 30, ng Lu­pang  Arienda sa Barangay Sta. Ana  sa  nasabing  bayan. Nabatid na natunugan ng mga pulis na nagkukuta si Taib sa nasabing lugar kaya nagsagawa ng operasyon para isilbi ang anim na warrant of arrest sa kasong murder. Imbis na sumuko ay nakipagbarilan at napatay si Taib sa pangkat ng PNP.

Ayon kay P/ Supt. Arthur  Masungsong, hepe  ng  Taytay PNP, kabilang sa mga pulis na napatay ni Taib ay sina PO3  Romeo  Maglinao, PO3  Urbano Enero  na kapwa binaril sa ulo  noong  February  11, 2007  sa  bahagi ng Lupang  Arienda  habang sina PO1 Virgilio  Dela Cruz  at ang reporter ng isang tabloid na si Tiburcio “Jojo” Trajano ay napatay noong  Hunyo 3, 2009 habang si PO2 Hector Sabile naman  napatay  noong 2010.

Show comments