2 tiklo sa pot session
December 1, 2011 | 12:00am
BATANGAS, Philippines – Dalawa-katao kabilang na ang isang barangay chairman na sinasabing naaktuhan sa pot session ang nadakma ng pulisya sa Sitio San Nicolas, Barangay Balintawak sa Lipa City, Batangas kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Chairman Nestor Magnaye, 46, Brgy 5; at Levi Limbo, 57, ticket collector. Ang mga suspek ay naaktuhan ng pangkat ni PO3 Arnold Quinio. Nasamsam sa mga suspek ang 2-aluminum foil na may bahid ng shabu, tooter at plastic sachet ng shabu.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest