Mister inutas sa harap ni misis

TUGUEGARAO CITY, Philippines — Inutas ng riding-in-tandem ang isang negosyanteng mister sa harap ng kanyang misis sa loob ng van sa Barangay Baligat, Batac City sa Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eufrocio Larry Pungtilan habang hindi naman idinamay ang kanyang misis na si Glory Pungtilan na sinasabing na-shock sa naganap na krimen. Lumilitaw na kasama ng biktima ang kanyang misis sa loob ng sasakyan nang mag-menor upang paunahin ang motorsiklo na may lulang dalawang lalaki. Sa halip na umandar ay huminto ang motorsiklo sa harap ng bintana ng van saka pinagbabaril sa ulo ang biktima.

Show comments