Nabulilyasong honeymoon

MANILA, Philippines - Nabulilyaso ang honeymoon ng isang mister sa babaeng napangasawa makarang arestuhin ng pulisya sa araw ng kaniyang kasal kamakalawa ng hapon sa Laoag City, Ilocos Norte. Kinilala ng pulisya ang inaresto na si Jaymar Taymundo ng Barangay Puttao Sosona sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, inaresto si Taymundo habang kumakain sa reception sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Charles Aguilar ng Ilocos Norte Regional Trial Court Branch 12 sa Ilocos Norte kaugnay ng kasong murder at frustrated murder.

Binigyan din ng sapat na panahon si Taymundo upang makapagpaalam ng maayos sa babaeng pinakasalan nito bago tuluyang binitbit ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group.

Bagama't matiwasay na sumama sa himpilan ng pulisya si Taymundo ay itinanggi naman nito ang pagkakasangkot sa krimen.

Show comments