2 kinidnap, pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay ,Philippines  – Dalawa-katao ang iniulat na dinukot saka pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan sa liblib na bahagi ng Barangay Canomay sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Manuel Manalo Jr., 64, magsasaka at Ricky Martolino, 28, trike driver at kapwa nakatira sa Sitio San Jose sa Poblacion, District 1. Batay sa ulat ng pulisya, si Manuel ay kinidnap habang naglalakad pauwi habang si Martolino ay hinarang habang nagmamaneho ng traysikel. Natagpuan ang bangkay ng dalawa na tadtad ng tama ng bala ang M16 Armalite Rifle at M14 rifle.

Show comments