^

Probinsiya

Grenade explosion: 6 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Isang ina at lima nitong anak ang nasugatan makaraang aksidenteng matanggalan ng pin ng isang aso ang granadang nakalkal nito sa lupa sa ilalim ng bahay na kubo ng  pamilya  ng kaniyang amo sa bayan ng Laoac, Pangasinan nitong Huwebes ng gabi.

 Ayon kay Pangasinan Provincial Police Office (PPO) Director P/Sr. Supt. Rosueto Ricaforte, natagpuan rin sa explosion site ang nagutay na katawan ng alagang aso ng pamilya sa nangyaring insidente sa Brgy. Calmay, Laoac dakong alas-7 ng gabi.

Kinilala ng opisyal ang mga nasugatang biktima na sina Sarah Padaoan, 38-anyos; mga anak nitong sina Fredalyn, 13, Grade V pupil; Simon, 11, Grade II; Alfredo, 10, Grade 1; Roderick, 8 at John Carl, 3-anyos. Ang mga ito ay kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa Pangasinan Provincial Hospital sa San Carlos City matapos na magtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mula sa shrapnel ng su­mabog na granada.

Sinabi ni Ricaforte, base sa imbestigasyon katatapos lamang maghapunan ng mga biktima ng maganap ang pagsabog mula sa ilalim ng kanilang kubo matapos na magkalkal ng lupa ang alagang aso ng mga  biktima.

Hinihinala namang nakita ng aso ang taong nagbaon ng granada sa lupa sa ilalim ng bahay ng pamilya at dahilan sa sobrang kakulitan ng naturang hayop ay kinalkal ito na naging mitsa ng pagsabog.

vuukle comment

DIRECTOR P

GRADE V

JOHN CARL

LAOAC

PANGASINAN PROVINCIAL HOSPITAL

PANGASINAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

ROSUETO RICAFORTE

SAN CARLOS CITY

SARAH PADAOAN

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with