Karpintero nakuryente, tigok

TUGUEGARAO CITY, Philippines  — Isang 46 anyos na karpintero ang namatay nang matusta matapos na aksidenteng mahawakan ang isang high tension wire habang nagtatrabaho sa gusaling pag-aari ng isang vice mayor sa Barangay Luyao, Cabatuan, Isabela kamakalawa. Nakilala ang biktima na si Rodolfo Bautista, 46, ng Barangay Macanao, bayan ng Cabatuan. Nangako naman si Vice Mayor Andres Domingo na sasagutin ang gastos sa burol at pagpapalibing sa biktima.

Show comments