Shootout: 2 holdaper todas

OLONGAPO CITY, Philippines – Bulagta ang dalawang kala­lakihang isinasangkot sa holdapan makaraang maki­pagbarilan sa mga alagad ng batas noong Linggo ng madaling araw sa bisinidad ng Sta. Rita, Olongapo City. Hanggang sa kasalukuyan simula pa noong Linggo ay bineberipika pa rin ang pagkakakilanlan sa dalawang napatay na holdaper na sinasabing hinoldap ang biktimang si Cherry Peña Villanueva, kawani ng Baluga Cafe Restaurant sa Barangay Banicain. Narekober sa dalawa ang dalawang baril, bag ng biktima na nag­lalaman ng cash at personal na gamit at motorsiklo.

Show comments