11-anyos durog sa trak

BULACAN, Philippines – Durog ang katawan at namatay ang isang 11-anyos na totoy makaraang sagasaan ng trak sa kurbadang kalsada sa Barangay Tambubong sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktima na si Benedict De Jesus, Grade 6 pupil sa Central Elementary School sa Brgy. Caingin at residente ng Barangay Taal habang nasakote naman ang drayber ng trak na si Jervin Cansinaje ng Brgy. Binagbag, Angat, Bulacan. Ayon kay PO3 Dorina Camado ng Women’s and Children Complaint Desk, bumili ng kahoy na panggatong ang biktima kasama ang kanyang utol subalit habang papauwi ay nahagip ng trak (XHK 327) sa gilid ng kalsada. Tinangkang tumakas ng drayber subalit naaresto ng mga nagpapatrolyang pulis na lulan ng mobile car.

Show comments