Kumander ng Bangsamoro, dedo

MANILA, Philippines - Isang kumander ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter ang iniulat na napatay matapos na makasagupa ang tropa ng Moro Islamic Liberation Front sa liblib na bahagi ng Barangay Elian sa bayan ng Datu Saudi sa Maguindanao kahapon ng madaling-araw. Sa impormasyong nakarating sa Camp Crame, nakilala ang napaslang na kumander na si Meten Gulapal na sinasabing nakasagupa ng MILF 108th ni Kumander Fahad Unsi. Tumagal ng ilang minuto ang bakbakan hanggang sa masawi si Gulapal at masugatan ang apat pang tauhan nito.

Show comments