^

Probinsiya

Pagnganganga ibinawal sa Cordillera

- Ni Victor Martin -

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines – Anim na bayan na sa Cordillera na kinabibilangan ng Baguio City ang nakiisa sa pagbabawal sa pagnganganga at pagdudura sa mga pampublikong kalsada.

Ito ay matapos na maki­bahagi na rin ang bayan ng Lamut, Ifugao sa kampanya ng pagbabawal sa mga may bisyo ng nganga na kalimitang idinudura sa mga mataong lugar.

Nakasaad sa nasabing ordinansa na papatawan ng kaukulang multa at pagkakulong ang maaktuhang kumakain ng nganga (momma) sa lahat ng opisina at gusali ng gobyerno, sa mga plaza, lansangan, waiting sheds, palengke at iba pang mataong lugar.

Ang pagnganganga ay nakaugalian na ng mga katutubong Igorot lalo na sa mga Ifugao bilang bahagi ng kanilang nakagisnan na tradisyon.

Subalit ayon sa ilang mga residente, ang pagbabawal sa nasabing nakasanayan ay nararapat lamang upang mabig­yan ng disiplina ang mga nagnganganga na huwag basta dumura sa kahit sang lugar.

Maliban sa Baguio City na naunang ipinagbawal ang pagnganganga ay  ipinagbawal na rin ito sa Bontoc, ang kabisera ng Mountain Province, Sabangan, Lagawe, Kiangan at Lamut sa Ifugao.

BAGUIO CITY

BONTOC

IFUGAO

KIANGAN

LAGAWE

LAMUT

MOUNTAIN PROVINCE

NUEVA VIZCAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with