^

Probinsiya

Misis pinatay sa sakal ni mister

- Ni Raymund Catindig -

ILAGAN, Isabela, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos kaya pinatay sa sakal bago itinapon sa ilog ang isang 35-anyos na misis ng kanyang mister na magsasaka noong Sabado sa Barangay Nagasikan sa Santiago City, Isabela.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ana Ligon habang nadakma naman ang suspek na si Christian Palen, 35, ng Barangay Rosario sa nabanggit na lungsod.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naunang iniulat ng suspek sa himpilan ng pulisya na nalunod ang kanyang misis kung saan narekober naman ang bangkay.

Subalit naghinala ang mga kaanak ng biktima sa ibinigay na ulat sa pulisya kaya isinailalim sa post mortem examination.

Nang lumabas ang resulta ng awtopsiya, lumilitaw na pinatay sa sakal ang biktima saka itinapon sa ilog kung saan salungat ang salaysay ng suspek sa pulisya.

Pormal na kinasuhan ang suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya.

vuukle comment

ANA LIGON

BARANGAY NAGASIKAN

BARANGAY ROSARIO

CHRISTIAN PALEN

ISABELA

KINILALA

LUMILITAW

NANG

PINANINIWALAANG

SANTIAGO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with