Spray plane bumagsak, piloto utas

MANILA, Philippines - Kinarit ni kamatayan ang isang piloto makaraang aksidenteng bumagsak ang pinalilipad nitong spray plane sa Brgy. Datu Abdul, Panabo City , Davao del Norte kahapon ng umaga. Kinilala ni Panabo City Police Director P/Supt. Marvin Manuel Pepino ang nasawing biktima na si Captain Napoleon Emia. Sa imbestigasyon patungo ang spray plane sa banana plantation ng Evergreen Farms na pag-aari ng Lapanday Group of Companies nang bigla na lamang itong bumagsak sa bisinidad ng Brgy. Datu Abdul ng lungsod dakong alas-9 ng umaga. Sa nasabing insidente nawasak ng todo ang spray plane na ikinamatay ng piloto nito. Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang kasong ito.

Show comments