CAVITE, Philippines — Napaslang ang isang barangay konsehal makaraang pagbababarilin ng kanyang hepe ng barangay tanod sa bayan ng Alfonso, Cavite kamakalawa ng tanghali. Idineklarang patay sa Dr. Poblete Memorial Hospital ang biktimang si Konsehal Miguel Ronsario Varias habang tinutugis naman ang suspek na si Theodore Rolle “Doroy” Ronsairo, 60, kapwa nakatira sa Barangay Sinaliw na Munti sa nasabing bayan. Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus, naganap ang krimen matapos magtalo ang dalawang opisyal kaugnay sa mga alituntunin ng kanilang barangay.