Tiangge sa SBMA eyesore sa publiko
SUBIC BAY FREEPORT ZONE, Philippines — Nagmistulang pangit sa paningin ng publiko (eyesore) ang tiangge na inilagay ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa Magsaysay Bridge kung saan pangunahing kalsada papasok at palabas sa economic zone.
Base sa mga reklamo ng mga kawani ng kompanya na nasa loob ng Subic Bay Freeport Zone, ang naturang tiangge ay umukopa sa kalahati ng tulay kaya naging masikip ang daanan.
Naging eyesore rin ang bukana ng Freeport Zone kung saan mistulang squatters area ang mga kubol ng tindahan na nagsisilbing tulugan ng mga nagtitinda sa tiangge.
Umaalingasaw ang baho at nagkalat ang basura sa tulay lalo na sa umaga, bakit naman pinayagan ni SBMA Chairman Roberto Garcia na magtayo ng tiangge sa tulay, dapat mapanatiling world-class tourism destination ang imahe ng Subic Bay,” pahayag ng mga nagrereklamong kawani at lokal na turista
“Ang sabi nila ay delikado na ang tulay kaya isinara sa trapiko, eh bakit pinayagan na lagyan ito ng mga stall?,” pahayag pa ng isang iritadong SBMA employee sa social networking site.
- Latest
- Trending