Pekeng pulis arestado

CAMARINES NORTE, Philippines – Isang 34-anyos na lalaki ang nadakma ng pulisya matapos makumpiskahan ng baril at ID ng pulis sa harapan ng drug store sa bayan ng Daet, Camari­nes Norte kamakalawa ng madaling-araw. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Ramil Hernandez ng Purok 5, Barangay Calangcawan Sur, Vinzons, Camarines Norte. Nabatid na nagroronda sina PO3 Ronilo Girao at PO1 Renato Jalimao nang mamataan nila ang suspek sa traysikel na nakaparada sa harapan ng drug store malapit sa palengke. Nang sitahin at hingin ang certificate of registration ng traysikel ay walang maipakitang dokumento ang suspek kung saan nakumpiskahan pa ito ng baril, tatlong bala at PNP badge( 050237) na pag-aari ng isang pulis. May te­orya ang pulis na posibleng may masamang binabalak ang suspek sa harap ng palengke na sinasabing malimit pagnakawan.

Show comments