Abogado sinunog ang sarili kasama ang anak
MANILA, Philippines - Matinding problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya sinunog ng isang abogado ang kayang sarili kasama ang kanyang 3-anyos na anak na lalaki sa loob ng sasakyan sa Barangay Bayasbas, General Santos City sa South Cotabato kahapon ng madaling araw.
Sa phone interview, sinabi ni P/Senior Supt. Gerardo Rosales na kapwa natusta ang mag-amang sina Atty. Rey Fabre, 41; at ang batang si Rever Cyrick Fabre.
Ayon sa ulat, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang malubak sa maputik na kalsada ang Mitsubishi Lancer ni Atty. Fabre kaya pinilit nito na makaahon sa putik ang sasakyan subalit nag-init at umusok ang makina.
Nagawang makalabas ng isang babae at humingi ng tulong sa driver ng jeepney na kunin ang naiwan nitong bag at iligtas ang bata habang nagsisimulang magliyab ang sasakyan na sinasabing isinarado ni Atty. Fabre.
Kaagad namang sumaklolo ni Fiel Villamor kung saan binasag ang salamin ng sasakyan para iligtas ang bata at kasama nito sa loob ng sasakyan pero binaril ito ng abogado at tinamaan sa kanang balikat at teynga.
Tuluyang nasunog ang sasakyan kasama ang mag-ama na pawang halos natusta na ang mga bangkay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may matinding problema sa pamilya ang abogado matapos itong umalis ng bahay at isinama ang anak dahil sa away nila ng kaniyang misis.
Narekober sa loob ng sasakyan ang sunog na dalawang baril, kutsilyo, at ang dalawang basyo ng cal. 9mm habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest
- Trending