LUCENA CITY, Quezon ,Philippines — Natukoy sa pitong bayan sa Lalawigan ng Quezon ang kaso ng filariasis kung saan ay idineklara ng Department of Health na category 1 endemic province ang lalawigan. Kaugnay nito ay inilunsad ang mass drug administration na ginanap kahapon sa Quezon Provincial Capitol sa pamamahala ng DoH at ng Integrated Provincial Health Office. Nakasaad sa Executive Order 369 na limang taon ang libreng mass treatment sa mga taong may filariasis na gagamitan ng kumbinasyon ng Di-ethyl carbamazine citrate (DEC) at albendazole. Ang filariasis ay isang uri ng parasitic infection na may maliliit na bulate sa dugo mula sa kagat ng lamok at bumabara sa mga kulani sa loob ng katawan na kalimitang naaapektuhan nito ay paa, bayag at suso naman sa mga babae.