NPA ambush: 2 sundalo ng medical mission bulagta

SOLANO, Nueva Vizcaya, Philippines — Dalawang sundalo ng Phil. Army na nagsasagawa ng medical mission kasama ang mga miyembro ng non-government organization ang napaslang matapos tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Balbalan sa Kalinga noong Sabado.

Kinilala ang dalawa na sina Corporal Jeffrey delos Santos ng Tuguegarao City, Cagayan at Pfc. Micholle Alipio ng Allacapan, Cagayan, kapwa nakatalaga sa 1st Medical Platoon ng Army Alpha Coy ng 41st Infantry Battalion sa pamumuno ni 2Lt. John Michael Jamero.

Base sa ulat, ang dala­wa kasama ang ilang sundalo at miyembro ng NGO patungo sa Barangay Dao-angan nang tambangan ng grupo ng Lejo Cawilan Command.

Tumagal ng isang oras ang bakbakan bago umatras ang mga rebelde na sinasabing bitibit ang ilang kasamang rebelde na sugatan.

Malaki naman katanu­ngan sa panig ng lokal na pamahalaan ang deklarasyon ng Kalinga noong Nobyembre 2010 na rebel-free na ang nabanggit na lalawigan. Victor Martin at Artemio Dumlao

Show comments